Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

926 Eloisa

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May AkdaEdit

Mayette Bayuga


Mga TauhanEdit

  • Tessa – Isang mag-aaral sa UST na kailangang kumuha ng summer classes para makumpleto ang back subjects niya. Naging boarder sa 926 Eloisa st.
  • Blanca – Tagapagsalaysay. Kapatid ni Tessa, napilitang samahan ang kapatid sa boarding house.
  • Joel – Isa sa tatlong binatang boarders sa kabilang kwarto. Sinasabing pinaka-cute sa kanila.
  • Mang Egapot Castillo – May ari ng bahay at isang taxi driver
  • Aling Engkang – Asawa ni Mang Egapot. Naglalako ng pananghalian sa mga saleslady ng Harrison Plaza
  • Marosa – Nagiisang anak na babae nina Mang Egapot at Aling Engkang. Tagapangalaga ng bahay.

BuodEdit

Pinasamahan kay Blanca ang kapatid niyang si Tessa sa isang boarding house malapit sa UST para sa summer classes nito. Doon nakasama rin niya sa bahay si Joel, ang tanging kilala niya sa tatlong binatang boarders din sa kabilang kwarto, at ang mag-anak na Castillo na may-ari ng bahay. May mga gabing naiisip niya si Joel, ngunit mas madalas niyang maisip si Marosa. Isang gabi nahuli niyang magkalingkis ang dalawa sa hagdanan. Napag-alaman din ito ng mga magulang ni Marosa at may ilang gabing nagwawala ang kanyang ama dahil dito. Napagdesisyunan ng magkapatid na lumipat na lamang sa bahay ng tiyahin nila sa Sta. Ana, ngunit bago sila umalis, kinausap ni Blanca si Marosa at sinabing maganda ito. Nakaramdam siya ng magkahalong init at lamig na gumagapang sa katawan niya ng mga tagpong iyon.


Mga PaksaEdit

  • Pagdadalaga (adolescence) at pagkiling sa kasarian – Noong mga panahong iyon ay nagdadalaga si Blanca, at nagsimula siyang magkagusto sa ibang tao. Pareho niyang nagustuhan si Joel at si Marosa, ngunit kapansin-pansing mas gusto niya si Marosa.

Also on Fandom

Random Wiki