Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Abot Talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Ang Buod:Edit

Ang kuwento ay umiikot sa babaeng si Mai-Mai David. Siya ay hindi naniniwala na manghuhula ang kaniyang

Ate Vivian. Ayon sa kanya, ang ate niya ay parang tuyot na pasas, yung isang babaeng isang beses lang

niligawan at nagkanobyo. Nagsimula ang kuwento noong nasa elevator siya at nakita niya

ang nobyong si Ryan. Bago pa man makatawag sa nobyo ay tinawagan na siya ng kaniyan Ate Vivian.

Inutusan siya ng kaniyang Ate na tumingin sa kaniyang kaliwa. Doo’y nakita niya ang isang matandang babae

na nakadaster at may hawak na dalawang bayong. Napilitan siyang sundan ang matanda na noo’y patungo sa

Cagbalete. Habang naghihintay sa lantsang patungo sa Cagbalete ay nakilala niya ang isang babae na

nakaupo sa may seawall. Nasa likod nito ang rebultong nakabungis-ngis. Napagkuwentuhan nila Mai-Mai ang

problema nito sa pag-ibig. Bandang 4:37 na ng hapon noong dumating ang lantsa patungong

Cagbalete.Habang pasakay sa lantsa ay nakilala niya naman ang mga pasaherong taga-Maynila. Tinuruan niya

ang mga batang iyon ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa mga dala-dala niyang bagay. Maya-maya

ay nawalan na rin ng interes ang mga bata at bumalik na ito sa pagkukulitan. Noo'y natatanaw na niya ang

dalampasigan na nilalatagan ng puting buhangin. Nasa Cagbalete na si Mai-Mai. Sa di' inaasahan ay nakita

niya roon ang isang hubo't hubat na lalake na kumakaway sa kanya. Si Julian pala iyon, ang kababata niya.

Ayon sa kanya, si Julian ang kaniyang soulmate. Nag-usap si Mai-Mai at si Julian tungkol sa

kanilang estado. Hindi nagtagl ay tumakbo papalayo si Julian. Hinabol siya ni Mai-Mai ngunit di' niya ito

naabutan. Natusok siya ng isang kulay kahel na bituing dagat. Tila tahimik itong nakahiga sa buhangin at

matiyagang naghihintay sa mga bisitang darating.


Mga TauhanEdit

1. Mai - Mai David - Si Mai-Mai ay ang pangunahing tauhan sa Abot Talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete ni Vlad Gonzales. Siya ang nakababatang kapatid ni Vivian. Siya ay hindi naniniwala sa hula. Para sa kaniya, sa tao nakasalalay ang kaniyang kapalaran.

2. Vivian David - Siya ang kapatid ni Mai-Mai. Siya ay isang matandang dalaga at isang manghuhula. Siya ang boss ni Mai-Mai sa Ad Agnecy. Siya rin ang nagsisilbing gabay ni Mai-Mai sa kaniyang buhay.

3. Mrs. Perez - Siya ang dating propesor ni Mai-Mai sa unibersidad at nanay ng kaniyang kabarkada sa kolehiyo. Siya ang nakita ni Mai-Mai sa Lucena na may kahawak-kamay na lalake na mukhang mas bata sa kaniya. Siya rin ang sumugod kay Mai-Mai sa opisina at nagparatang sa pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanilang pamilya.

4. Alina Perez - Siya ang dating kaibigan ni Mai-mai sa kolehiyo. Naging kaaway niya ito noong kumalat ang tsismis tungkol sa kanilang pamilya.

5. Ryan - Siya ang nobyo ni Mai-Mai sa kuwentong Abot Talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete ni Vlad Gonzales. Siya ay pumasok sa mundo ng telenobela at naging TV producer. Nagkaroon sila ni Mai-Mai ng tagong relasyon.

6. Dr. Jimmy - Siya naman ang alagang pusa ni Mai-Mai. Siya ay namatay nang di' inaasahan.

7. Aleng nakadaster - Siya ang nakilala ni Mai-Mai sa may elevator. Ang matandang babaeng ito ay nakasuot ng daster, may tuyong balat at kulot na buhok. Siya ay may buhat-buhat na dalawang malaking bayong na may lamang mga delata, chichirya, instant noodles, pancit canton, mga sigarilyo at iba pa.

8. Babae sa seawall - Siya ang babaeng naka-upo sa may seawall patungong Cagbalete. Siya ay wala pa sa bente anyos at may magandang hubog ng katawan. Siya ay mayroong problema sa pag-ibig. Kakwentuhan niya si Mai-Mai habang naghihintay sa lantsang patungo sa Cagbalete.

9. Julian - Siya ang kababata ni Mai-Mai. Siya ay klasmeyt niya simula elementary hanggang high school, coffe at film buddy rin niya ito noong nasa kolehiyo. Si Julian ang perenyal na tagaisip ng mga tukso para kay Mai-Mai, tulad ng Super Boink, Ms. Piggy, Titanic, Asteroid M. Siya rin ang tinatawag ni Mai-Mai na soulmate. Siya ang nakita ni Mai-Mai sa Cagbalete na hubo't hubad na kumakaway sa kanya.


Paksa:Edit

1. Kapalaran - Ito ay tumutukoy sa hindi maiiwasang takbo ng mga pangyayari. Maaaring isaisip ito bilang hindi mapigilang kapangyarihan o operasyon na tinatakda ng hinaharap. Ito ang konsepto na nakabatay sa paniniwala na mayroong nakatakdang likas na kaayusan sa mundo.

2. Pag-ibig - Ito ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng konting ligaya (naibigan ang isang pelikula) hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaaring isang masidhing damdamin ang pagtingin sa kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Mayroon itong malaking kaugnayan sa sikolohiya, karaniwang tema rin ito sa sining. Mayroon ding kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.

Mga Sanggunian:


1. http://tl.wikipedia.org/wiki/Kapalaran

2. http://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-ibig

Also on Fandom

Random Wiki