Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Bakasyon Grande

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May AkdaEdit

Gloria Villaraza Guzman


Mga TauhanEdit

  • Eden - bunso sa magkakapatid. Tatlong taon na siya sa Tustin, California.
  • Miguel - naging karelasyon ni Eden sa Pilipinas. Mayaman ang kaniyang pamilya.
  • Dino - anak ni Dr. Rosauro Mangali, isang kilalang doktor sa Sta. Ana, California. Hindi siya umiinom ng alak at hindi rin nagsusugal. Muntik na silang ikasal ni Eden.
  • Minda - kinakasama ni Dino.
  • Beth - kababata ni Eden na nasa California din.
  • John - Amerikanong laging nababanggit ni Eden sa mga sulat niya sa ina.
  • Aling Bining - ina ni Eden.
  • David - panganay na lalaki ni Aling Bining at kapatid ni Eden.
  • Chitang - nakatatandang kapatid ni Miguel.

BuodEdit

Magtatatlong taon na sa Amerika si Eden simula nang pagbakasyonin ito ng inang si Aling Bining. Ito ay makaraang magalit nang husto si Aling Bining sa karelasyon ni Eden noon sa Pilipinas na si Miguel dahil diumano sa pang-aalipusta ng ate ni Miguel na si Chitang sa pamilya ni Aling Bining.

Nakatakdang ikasal si Eden kay Dino, isang Pilipinong nakilala ni Eden sa Amerika, pero di pa rin niya magawang makalimutan si Miguel. Sa isang mall sa California, nagkita sina Eden at kababata niyang si Beth; naikwento ni Eden na ikakasal na siya at, dahil nagmamadali na si Beth, nagpalitan na lamang sila ng mga numero ng telepono. Sa kanilang pag-uusap sa telepono nang gabing iyon, nabanggit ni Beth na taga-Sta. Ana siya at dahil doon din nakatira ang nobyong si Dino, naikwento ni Eden ang tungkol sa magiging asawa. Sikat ang pamilya ni Dino sa Sta. Ana kaya't agad na nakilala ito ni Beth--binalaan niya si Eden na nagkabalikan na si Dino at ang kinakasama nitong si Minda.

Hindi natuloy ang kasal makaraang makumpirma ni Eden na totoo ang mga sinabi ni Beth at pagkatapos ay umuwi sila pabalik ng Pilipinas ni Aling Bining (na lumuwas pa ng Amerika para lamang sa kasal ng anak) at namalagi sa bahay ng kamag-anak. Isang hapon, gulat na gulat si Eden nang dumalaw sa bahay si Miguel at nagsabing mamamanhikan ito kasama ng Mama at Papa niya kay Aling Bining.. bakla ka.

lololol

Mga PaksaEdit

  • Pagdedesisyon ng magulang para sa anak - Walang nagawa si Eden kung hindi sundin ang utos ng ina na manalagi sa Amerika para lumayo kay Miguel.
  • Pag-ibig - Tatlong taon man ang lumipas, tutol man ang ina ni Eden na si Aling Bining at kapatid ni Miguel na si Chitang, sinunod pa din nila Eden at Miguel ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.

Also on Fandom

Random Wiki