Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Dalaginding si Kupido

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Mga TauhanEdit

Nita

Isang dalagang labing apat na taong gulang na may kapilyahan at tinatawag na tomboy ng kuya nito.

Efren

Kuya ni Nita na ginamit niya (ni Nita) ang pangalan upang makipagpen pal sa isang dalaga.

Virgie/Virginia

Isang dalaga na wala ng kapamilya at walang kaibigan kaya nais makipagsulatan. Siya ang sinulatan ni Nita gamit ang pangalan ng kuya nitong si Efren.

Inay

Nanay nila Nita at Efren na dumidisiplina kay Nita at nagsasabing dapat magkilos dalaga na ito at hindi parang tomboy at pilya.


BuodEdit

Umiikot ang kwento kay Nita, isang dalaga na may pagkapilya at pagkatomboy. Isang gabi,hindi ito makatulog kaya nagbasa ito ng Liwayway at nakita niya ang pangalan ng isang babae, edad nito at adres. Sa kapilyahan nito ay sinulatan niya ang dalagang si Virginia gamit ang pangalan ng kuyang si Efren. Sumagot ang dalaga at doon nagsimula ang pagsusulatan nila hanggang sa ligawan na ito ni Nita sa sulat gamit pa rin ang pangalan ng kuya. Sinagot ito ni Virginia ng “oo” at tuluyan nang nahulog ang loob ng dalagang si Virginia sa penpal nito. Isang araw sumulat si Virgie at sinabing dadalaw ito sa may lugar nila at maari ay sunduin ito ng kasintahang si Efren. Nagulat si Nita at nagpasyang aminin na sa kuya niya ang ginawa nito. Pinagalitan siya ng kuya niya at sinabing aminin na kay Virgie ang totoo. Hindi nila sinalubong si Virgie ngunit bigla itong dumating sa bahay nila. Inamin ni Efren ang ginawa ni Nita kay Virgie at naintindihan naman ito ni Virgie. Sa katapusan ay nagkagustuhan sina Virgie at Efren, nagpakasal sila matapos ang ilang buwan at laking pasasalamat ng mga ito kay Nita na nagslibing kupido nila na dalaginding.


PaksaEdit

Nabuong pag-ibig sa pagsusulatan lamang

Niligawan ni Nita si Virgie sa sulat lamang at dahil na rin sa matatamis nitong mga salita ay napaibig niya si Virgie.

Gender Preference/Curiosity

Makikita sa kwento ang pagiging tomboy ni Nita pati na rin ang pagiging curious nito sa mga bagay bagay na ginagawa ng mga lalaki tulad ng panliligaw.

Also on Fandom

Random Wiki