Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Elena M. Patron

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

TalambuhayEdit

Si Elena Patron ay ipinanganak noong ika – 18 ng Agosto 1938 sa Ermita. Isa siyang produkto ng paaralang publiko, nag-aral siya sa Washington Elementary School at sa Arellano High School. Nagtapos siya ng komersiyo sa Philippine School of Commerce noong 1955.

Mas una siyang nahilig sa pagsusulat ng mga tula, dula, at sanaysay. Noong nagsimula siyang sumulat para sa Liwayway, napasabak siya sa pagsusulat ng maiikling kwento. Siya nama’y nakitaan ng potensyal bilang isang magaling na manunulat ng mga patnugot ng magasin. Hindi nagtagal ay nakasama niya si Rosario Jose-Fabian sa isang popular na kolum ng huli na “Tahanan at Sining”; maskilala si Elana bilang Mareng Lena.

Nang magsara ang Liwayway, napilitang pasukin ni Elena ang mundo ng komiks. Dito, naging gabay niya si Ramon Marcelino, isang batikang manunulat ng komiks. Isa si Elena sa nagbukas ng pinto para sa mga babaeng may talent at hilig gumawa ng komiks.

Ang unang nobela na isinulat ni Elena ay ang “Kapatid Ko Ang Aking Ina” na umani ng malaking tagumpay. Noong 1969, isinapelikula ang nobelang ito ni Elena at nanalo sa Famas bilang pinakamahusay na kwento. Ilan sa mga sikat niyang nobelang pangkomiks ay ang ”Lord, Give Me a Lover”, “Blusang Itim”, “Kislap sa Dilim”, at “Adult Kid” na di nagtagal ay ginawan din ng pelikula.


Mga KwentoEdit

Also on Fandom

Random Wiki