Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Honorio Bartolome de Dios

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

TalambuhayEdit

Si Honorio Bartolome De Dios ay nagmula sa Marilao, Bulacan at lumuwas ng Maynila bilang isang seminarista ngunit kinalaunan ay napili ring lumabas. Nag-aral siya noon ng Sociology at nakilahok sa mga gawaing pangmasa. Lumahok siya sa mga development work sa loob ng, humigit kumulang, sampung taon. Ngunit, hindi maikakailang maaga siyang namulat sa mundo ng mga bakla. Nakita niya ang duality ng buhay na ito - malungkot at masaya, madilim at makulay.

Hindi lamang sa mga gawaing pangmasa naging abala si De Dios. Ginalugad din niya ang lahat ng sulok ng kabaklaan sa malawak na lungsod upang hanapin ang lugar niya sa lipunan. Hindi naging madali ito para kay De Dios. Nariyang nadapa siya, napaluhod siya, at napasubasob habang siya ay naghahanap. Ngunit, hindi man siya lalaking lalaki sa kasarian ay naging lalaking lalaki naman siya sa pagharap ng mga pagsubok na ito. Napakatapang ng pagpapakita ng pagbangon na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.

Mga kwentoEdit

Also on Fandom

Random Wiki