Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Isang Libo't Isang Halik - Lamberto Cabual

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

TauhanEdit

Dupong – ang asawa ni Takya na hindi makahindi sa lahat ng sasabihin ng kanyang asawa

Takya – isang maingay na babae ngunit mangada naman

Anding – ang kapitbahay na nakarinig ng pag-uusap ni Dupong at Anding tungkol kay Takya

Kulas - ang kapitbahay na nagpayo kay Dupong sa kanyang gagawin sa kanyang asawa

BuodEdit

Si Dupong, ang asawa ni Takya na laging naninigaw uma-umaga. Si Dupong ay baba kay Takya, ni hindi sya makaangal sa pinag-uutos ng kanyang asawa kahit sa mga gawaing pambabae. Ang maglaba, magluto at kung anu-ano pang gawaning pangkababaihan ay ginagawa ng walang angal ni Dupong. Hindi niya kayang umangal dahil mahal na mahal niya ito. Wala pa silang anak sa loob ng limang taong pagsasama, ayaw raw nilang tumulad sa iba na nagmamadali. Dumating sa punto na hindi na makayanan ni Dupong ang ginagawa ng kanyang asawa, naturingang sya ay napakalakas na lalaki dahil narin sa kanyang trabaho, ang kanyang trabaho ay isang construction worker sa bayan. Nanghingi ng tulong si Dupong sa kanilang kapitbahay na si Kulas, sa kanilang pag-uusap, pinayuhan ni Kulas si Dupong na ibalik ang kanilang init sa pamamagitan ng pagpuyat kay Takya sa gabi upang hindi na makapag-ingay sa umaga, napag-isip isip ni Dupong na tama iyon kasi noong nagsimula syang manlamig sa kama, doon narin si Takya nagsimulang nagging mainitin ang ulo. Ang kanilang pag-uusap ay narinig ni Anding, at agad na pumunta ito sa bahay nila Takya. Pinag-sabihan ni Anding si Takya na hindi na makayanan ni Dupong ang kanyang ginagawa at mamayang gabi raw ay may supresa si Dupong sa kanya. Pag-uwi ni Dupong ay agad niyang hinalikan si Takya at sa kalaunan, pumunta sila sa kama at nagpakasaya. Kinabukasan, nagulat si Dupong dahil wala na sa tabi ang kanyang asawa, pagbaba niya sa kanilang bahay, nakita nyang bihis na si Takya para sa trabaho at itoy nagluto na ng kanilang agahan.

PaksaEdit

Ang paksa ng kwentong ito ay ang kakulangan ng isang asawa sa kanyang kapareha.

- Pag-ibig

- Romansa

- Pang-aabuso

-pag aaway

Also on Fandom

Random Wiki