Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Isang Linggong Pag-ibig

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May AkdaEdit

Gerardo Torres


Mga TauhanEdit

  • Tagapagsalaysay - Isang bading na naghahanap ng seryosong relasyon.
  • Lalaking kausap - Siya ang mestiso at artistahing kausap ng tagapagsalaysay sa kuwento. Siya ay lumalabas kasama ng iba kahit na hindi pa niya ito gusto.

BuodEdit

Lunes noong magkainteres ang tagapagsalaysay sa lalaki na kausap nito dahil sa nakita niyang litrato sa Friendster account nito. Martes noong nakipagtawagan ang tagapagsalaysay sa lalaki at noon nila plinano ang pagkikita sa darating na biyernes. Miyerkules noong nabanggit ng kausap na lalaki na kasama niya ang isang fashion designer na nanood ng sine. Huwebes noong lubos na makilala ng tagapagsalaysay ang lalaki at nabatid niya ang panggagamit ng lalaki sa mga nagiging kaibigan nito. Biyernes noong lumabas ang tagapagsalaysay at ang kausap niyang lalaki upang manood ng sine. Nais sana ng tagapagsalaysay na mag check in sa Victoria Court ngunit hindi sumang-ayon ang lalaki sapagkat hindi pa raw sila magkakilala ng lubusan. Sabado noong malaman ng tagapagsalaysay na nakahingi ng tulong ang lalaki sa fashion designer na pinangakuan niyang hindi na niya tatawagang muli. Linggo na noong pinutol ng tagapagsalayasay ang pag-uugnayan niya at ng lalaki sapagkat naniniwala siyang marami pang mas nararapat para sa kanya.


Mga PaksaEdit

  • Panggagamit - Ginagamit at pineperahan lamang ng lalaking kausap ng tagapagsalaysay ang mga kinakaibigan nitong mga bading.
  • Dignidad ng isang bading - Winakasan ng tagapagsalaysay ang ugnayan nila nang lalaki sapagkat ayaw niyang magpagamit.

Also on Fandom

Random Wiki