Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Karatig-Silid

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May AkdaEdit

Mayette Bayuga


Mga TauhanEdit

  • Maya – Tagapagsalaysay. Junior copywriter sa isang advertising agency. Unang beses manirahan sa sariling kwarto nang magsimulang mangupahan sa Paco Pension House
  • Manding – Creative Director nina Maya. Paboritong kulitin si Maya dahil alam niyang pikon ito.
  • Maxie – Account Executive na naghahandle ng Brusque bikini brief account na tinatrabaho nina Maya.
  • Brenda – Landlady ng Paco Pension House
  • Vicente/Brix – Kapatid ni Brenda at kakatabing-kwarto ni Maya.

BuodEdit

Tuwang-tuwa si Maya sa paninirahan sa kanyang unang sariling kwarto sa Paco Pension House, na madalas ay may mga ginagawa siya ritong hindi maaaring gawin sa harap ng maraming tao tulad ng pagsasayaw ng nakahubad at pagtataas ng damit sa harap ng salamin. Isang gabi, habang nagsasayaw siya ay may narinig siyang paggalaw sa may dingding na kaharap ng salamin, at nadiskubreng merong pinto doon na konektado sa kabilang kwarto. Matagal pa bago niya nalaman kung bakit may pintuan doon dahil matagal nawala ang landlady na si Brenda. Naikwento ni Brenda na ang kwarto niya ay dating bodega ng kabilang kwarto na tinutuluyan noon ng kapatid nito. Ipinakilala ni Brenda si Vicente kay Maya ng sumunod na gabi, at napadalas ang pamamalagi ni Vicente sa Paco Pension House. Isang gabi, kumatok si Vicente sa pintong nagkokonekta sa kwarto nila ni Maya, at pinagbuksan naman siya nito. Nang mga sumunod na araw ay naramdaman ni Maya ang pagkabigo sa sarili niya dahil sa ginawang pagpapaubaya ng sarili kay Vicente.

Mga PaksaEdit

  • Pagpapantasya – Nakalikha si Maya ng isang kathang-isip na lalaking nagngangalang Brix, na pinagpapantasyahan niyang pumapasok sa kwarto niya at makikipagtalik sa kanya.
  • Pagpapaubaya – Ibinigay ni Maya ang kanyang sarili kay Vicente nang minsang kumatok ito sa pintong namamagitan sa kanila. Ito ay sa kabila ng mga naalala niyang turo ng kanyang magulang at ng mga madre sa Catholic School.

Also on Fandom

Random Wiki