Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Kas

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May akdaEdit

Isinulat ni Honorio Bartolome de Dios


Mga TauhanEdit

  • Rod – bidang lalaking maraming kaibigang lalaki noong bata pa ngunit matagal na itinanggi ang sarili paglaki. Naging malapit kay Tony, isang aktibista, noong kolehiyo ngunit isang beses lamang sumama sa rali.

  • Tony – kaibigang radikal ni Tony mula noong kolehiyo na naging kamag-aral niya sa klaseng Philippine History. Naging tagabukas ng isip ni Rod upang maging matapang hindi lamang sa kalsada kundi pati na rin sa buhay lalong lalo na sa pagkilala sa tunay niyang sarili.

  • Mr. Sarmiento – propesor nina Tony at Rod sa klase nila sa Philippine History na madalas makatalastasan ni Tony dahil na rin sa kaibahan nila ng paniniwala. Binansagang “Ibong Adarna” dahil madalas makatulugan ng mga estudyante ang klase niya.

  • Mang Ador – kapitbahay na laging umuuwing lasing

  • Aling Nita – hindi eskandalosong asawa ni Mang Ador. Pangunahing suliranin nila ay ang hindi pagkakaroon ng anak kahit anim na taon na nilang sinusubukan.

  • Daddy – tatay ni Rod. Matagal nang nagtatrabaho sa Amerika.

  • Uncle – tito ni Rod na may mga pinagagawa sa kaniya tuwing hapon pag-uwi galing eskwela.

  • Berto – kapitbahay ni Rod na malibog na nakatambay sa may outpost ng pulis.

BuodEdit

Alas diyes na ng gabi nang makarinig ng mararahang katok sa pinto ng bahay niya si Rod. Isang taong mula sa kanyang nakaraan at tunay ngang hindi niya inaasahan ang tumambad sa kaniya sa pinto – si Tony. Noong kolehiyo, laging hinihikayat ni Tony si Rod na sumama sa kilusan at lumabas ng kalye upang magprotesta at patalsikin ang rehimeng Marcos. Ngayon lamang ulit sila nagkita sa loob ng maraming taon – salamat sa ceasefire talks at nadalaw ni Tony si Rod noong gabing iyon. Nagkwentuhan sila at nagkumustahan, isang bagay na matagal nilang pinanabikang muli. Tila isang nobela ang sagot ni Rod sa pangunugumusta ni Tony at nagbiro pa ito na maaari na raw siyang magsulat ng isang kwentong masasabi niyang tunay na kwento ng kaniyang buhay. Nagbalik lahat ng mga alaala ni Rod mula noong bata pa siya – mula noong magdesisyon siyang magdeklara ng martial law sa kanyang pagkatao. Kahit halos dalawang taon ang nakalipas bago sila muling nagkita, tila walang pinagbago ang pagkakaibigan ng dalawa maliban sa isa – tanggap na ni Rod ang kanyang sarili at handa na niya itong ipakilala ng buo sa kanyang matagal na nawalang kaibigan.


PaksaEdit

  • Pagtanggi ng sariling kasarian – Matagal na itinatanggi ni Rod, maging sa sarili, ang totoo niyang pagkatao dahil na rin sa kakaibang tingin ng lipunan sa mga gaya niya. Malaki ang naging takot niya sa paglantad – takot mapagtawanan, layuan, mapahiya, at gamitin – at matagal niyang isinailalim sa martial law ang kaniyang sarili.

  • Pagbibinata o Adolescence – Habang lumalaki si Rod, pinilit niyang makibarkada sa mga lalaki at mga maton – nakikipag-inuman, nagpapakabrusko, naniniwalang ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak, matigas kumilos, matigas magsalita, agresibo, at nakabubuntis ng babae.

  • Pangmomolestiya o panghahalay sa bata – Hindi man tuwirang sinabi sa kwento, mahihinuha natin na ito ang ginagawa ng Uncle ni Rod sa kaniya tuwing hapon kapag umuuwi siya galing sa eskwela. Binanggit din niya ang isang malibog na kapitbahay, si Berto, na mukhang may pinagagawa rin sa kaniya.

  • Panloloko – Makikita ito sa dating minahal at sa iba pang mga taong nakapaligid kay Rod. Isa pang halimbawa ay ang panlilinlang ng mga Tagalog sa mga Dumagat sa Quezon.

Also on Fandom

Random Wiki