Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

- Rosal

Pahina ng kategorya

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.


Naging ugali kong mag-alay ng bulaklak kay BIrheng Maria simula ng sabihin ni Sister Guada na ang mga masipag mag-alay ng bulaklak sa Birhen ay mananatiling malinis at kagalan-galang. Labintatlong gulang lang ako at nasa unang antas pa lamang ng pag-aaral sa Colegio de la Immaculada Corazon. Kaya lang, dahil gusto kong mapansin ng lahat na ako’y isang mabuting bata, sinunod ko si Sr. Guada.
Nag-iisang eskuwelahang katoliko sa bayan ng Boac ang Colegio. Itinayo ito noong panahon ng mga kastila at ang unang mga guro ay mga madreng Portuges. Sabi ng mga matatanda ay matangkad, mapuputi at matatangos ang ilong ng mga nasabing madre. Mga batang babae lang ang tinanggap nito sa paaralan dahil ang pangunahing itinuturo nila maliban sa pagdarasal ay pananahi,pagbuburda, ang pagtugtog ng piyano at ang pangangalaga sa katawan. Sa pag-asang maging kagaya ng mga madreng Portuges ang kanilang mga anak, halos lahat ng may mga sinasabing pamilya sa bayan ay sa Colegio pinag-aral ang mga anak na babae.
Sa aking panahon ng pag-aaral ay marami nang pagbabago sa Colegio. Ang pananahi at pagbubuda ay naging bahagi na lang ng araling Sining Pangkabuhayan. Hindi na rin kami hinahasa sa pagtugtog ng piyano. Ang isang luma’t malaking piyano na maaring siyang ginamit ng mga naunang mag-aaral ay isinantabi na lang sa loob ng silid dalanginan, may makapal na takip at ginagamit na lang sa mahahalagang okasyon. Ang pangangalaga naman sa katawan, kasama ang kalinisan ng kaluluwa ay naging bahagi na ng sermon ni Sr. Guada tuwing pagkatapos ng pagtaas ng bandila sa umaga. Maaring ang mga pagbabagong ito ay dala ng pagbukas ng pinto ng Colegio sa mga mag-aaral na lalaki. O maaring sinadya ang pagbabago upang makapasok ang mga lalaking mag-aaral. Hindi na rin matatandang Madreng Portuges ang nagtuturo sa amin, napalitan na ng mga madreng pilipina ang karamihan ay matataba kagaya ni Sr. Guada.
Bulubundukin ang Boac. Ang Colegio ay sa taas ng isang gulod nakatayo. Ang gulod na ito’y nasa dulo ng isang magkakrus na daang nagsisimula sa malapit sa aming bahay sa Isok. Sa paanan ng gulod ay nagsisimula ang isang mahabang hagdang batong paakyat sa mga silid-aralan, na ang pagkakasunod-sunod ay iniaayon sa antas ng pag-aaral. Nasa dakong tuktok ang halamanang namumutiktik ang kapal ng iba’t ibang klaseng bulaklak.
Simula nang maging principal si Sr. Guada, bago pa man ako naging isa sa mga mag-aaral ng Colegio, ginawa niyang solusyon sa paaralan ang pagpapaganda ng halaman sa pamamagitan ng pagpupuno dito ng mga malalaking halaman. bawat mag-aaral ay inaatasan magtanim at mag-alaga ng tatlong uri ng halaman sa mga itinalagang halamanan. Tuwing umaga, sa kanyang sermon ipinapaalala ni Sr. Guada upang magsilbing inspirasyon na darating ang araw na lahat ng bulaklak na iaalay sa Birheng Maria tuwing sasapit ang kanyang mahalagang kapistahan ay mangagaling sa halamanan at ang bulaklak ay magiging tunay na mga alay, dasal na pinagpala ng sariling kamay ng mga mag-aaral.
Tatlong taon ng principal si Sr. Guada nang tumuntong ako sa Colegio pinatupad na ang kanyang pangarap na mapuno ng bulaklak ang halamanan. Sinimulan na _________ isang ritwal na ginagawa sa tuwing sasapit ang mga kapistahan ng Birheng Maria. Ang kakaibang pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria ay nagaganap sa madaling araw. Sabi ni Sr. Guada isang matandang sakripisyo pangkalinisan ng aming kaluluwa ang ritwal. Sisimulan iyon sa pagtitipon ng lahat ng mag mag-aaral ng puno ng hagdang bato, kung saan inaayos ng pares-pares, at ang bawat isa ay nasa tamang lugar na, a silid dalanginan ay tinutogtog ang piyano at sa saliw nito ang mga mag-aaral ay kakanta ng Ave, Ave, Ave Maria……… Habang umaakyat sa halamanan. Pipitas kmi ng bulaklak sa halamanan at aakyat, pababa sa kabilang dako ng gulod patungo sa kinaroroonan ng groto, na nasa dulo ng isang katarikang hagdang bato. Nagtitipon kaming lahat sa ibaba ng grotto upang manalangin., pagkatapos ay aakyat na nag bawat pares at iaalay sa Birhen ang mga sariwang bulaklak.
Kahit pangkaraniwang araw ay hinihikayat kami ni Sr. Guada na mag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. Ipinapalala rin niya na dapat ay pipiliin naming ang pinakamagandang bulaklak, dahil ang mga ito’y sumasagisag sa aming sarili. Ang mga buko daw ay tanda ng kawalang pagmamahal.
ISang umaga, nakasalubong ko si Sr. Guada nang ako’y papunta sa groto, kipkip sa aking mga palad ang tatlong bulaklak ng rosal na basa ng hamog. “MAgandang umaga po, Sister,” bati ko sa kanya. Ngumiti siya at sinabi, maraming magagandang rosas sa halamanan, Isay, dagdagan mo iyang mga rosal mo,” Umiiling ako. “Talaga pong rosal ang gustong kong iaalay na bulaklak, Sister.” ang saot ko. Siya naman ay umiiling “Pero madali iyang malanta” sabi niya. “Gusto ko po ang kaputian ng rosal,” sabi ko. “hindi ba meron namang putting rosas?” tanong niya nakangiti. “Meron nga po. pero ang rosal po ay mabuti at walang tinik. Naiiba po ang rosal sa pangkaraniwan. Para sa akin. ang rosal ang pinakamagandang ialay sa Birhen.” Matigas ang pagtatagol ko sa aking paboritong bulaklak kaya tumungo na rin si Sr. Guada at nagtuloy na ako sa groto.
Isang beses sa loob ng isang linggo, nag aalay ako ng rosal sa Mahal na Birhen. Buong puso akong umaasa na magiging malinis at kagalang-galang ako sa habambuhay tulad ng sinabi ni Sr. Guada. Hindi ko naman maintindihan ang nais niyang sabihin.
Nangangalahati n gang buwan ng Setyembre nang matuklasan ko ang isang tagong lugar sa itaas na bahagi ng halamanan, halos nasa tuktok na ng gulod. Isang mahabang kumot ng Bermuda grass ang nagpapayungan mga nagsasalimbayang makakapal na dahon ng gumamela at santan. Para bang sadyang isaayos ang tagong lugar na iyon, malinis at malambot ang Bermuda parang laging nauupuan. Mula noon, palagi na akong naglalagi sa kubling lugar na iyon upang magbasa at magmuni muni. Hindi ko ipinaalam kanino man sa takot kong may umagaw sa aking pag iisa.
Isang hapon, habang tahimik akong nagbabasa, nakarinig ako ng mga yapak na papalapit. bumulagasa akin ang gulat na mukha ni Evelyn Noche, isang mag-aaral sa ikatlong antas. Aba, ikaw si Dalisay Dias diba? sabi niya, “ako nga” sagot ko naman. naku, anong ginagawa mo dyan? tanung niya. Nagpapalipas ng oras habang hinihintay kong tumunog ang batingaw, muli’y sagot ko. Ang tapang mo naman! Hindi mo baa lam na noong isang linggo lang ay may pinatay na malaking ahas si man Pedro dyan?’ Madiin niyang sabi. “Hindi ko alam iyon. Wala akong nabalitaang ahas dito.” pabigla akong sumagot dahil sa inis na nanakot niyang boses. Ngayong alam mo nang may ahas na gumagala diyan, mag-iingat ka na! At lunakad na siyang pababa agad naman akong sumunod.
MAganda si Evelyn Noche. Siya ay matangkad, matangos ang ilong at hanggang beywang ang maaalong buhok. Kung hindi nga lang kayumanggi ang kulay n kanyang kutis ay siya ang nailalarawan kong itsura ng mgandang madreng Portuges na unang naging guro ng Colegio. Mahusay kasi sa pagtugtog ng piyano si Evelyn at madalas, siya ang tumutogtog nito kapg may okasyn o kaya’y kung kapistahan ng mahal na Birhen.
Kahit naiinis ako sa sinabi ni Evelyn nagkaroon rin naman ako ng takot. Paano nga kung may ahas sa tagong lugar?” Alam kong kapag may nangyari sa akin ay mananagot ang Colegio. Dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na mabait na bata, hindi na ako bumalik doon.
Aywan ko naman kung bakit kung kalian pa ako nawalan nang lugar na mapagmumuni-munihan, ay saka naman ako napuno ng maraming agam-agam. Sa bawat araw, iba’t ibang bagay tungkol sa aking sarili ang gumugulo sa aking isip at napapaalinlangan sa buo kong katawan. Nagsimla kong mapansin na may dalawang bukol nang nag-uunahang lumaki sa aking dibdib. Nagsimula na rin akong magkahilig sa pagbabasa ng mga librong punong-puno ng malalagkit romansahan ng lalaki’t babae. At sa gabi kung nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog, nagsimula akong mangarap na may mainit na kamay na humahaplos sa buo kong katawan. Hindi ko maipaliwanag ang mag bagay na iyon. Takot akong magkuwento kahit kanino dahil baka ako pagtawanan. Itinuloy ko pa rin ang pagdadala ng mga rosal sa Mahal na Birhen., ngunit nagsimula na akong magtanong kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging malinis at kagalang-galang. Hinila ang mga paa kong bumalik ako sa tagong lugar pagkatapos ng klase isang araw ng Oktubre. Gusto kong mapag-isa. Iilang hakbang na lang ako nang maramdaman kong may tao doon. Bumulaga sa akin ang ilang hibla ng mahaba’t maalun-along buhok at makinis na kayumangging balat.
Hindi nag-iisa si Evelyn Noche sa tagong lugar kasama niya si Manny Adams, ang most valuable player ng koponan ng basketball ng colegio. Amerikano ang ama ni Manny(higit na kilala sa tawag na Adams) kaya naman litaw na litaw ang kanyang pagiging mestiso. Halos lahat ng mga babae sa Colegio ay kinikilig sa kaguwapuhan niya. Marami ang nagsasabi na bagay sila ni evelyn Noche at doon sa tagong lugar, nakakanlungan ng nagsasalimbayang gumamela at santan, ilang hakbang mula sa pang-alay sa Birheng Maria, pinatunayan ni Evelyn at Adams na sila nga’y bagay sa isa’t isa. Walang pakialam sa paligid, masusing pinag-aaralan nila ang katawan ng isa’t isa, nagmamadali ang mga kamay, nag-uunahan ang mga kilos. Kung may ahas na gumgapang sa paanan ni Evelyn, ni hindi niya iyon mararamdaman.
Dahan-dahan akong humakbang palayo at nagtuloy sa halaman. Pinagpapawisan ang malagkit ang buo kong katawan. Pumitas ako ng isang rosal at unti-unting pinigtal ang mga talulot nito, saka isinabog paitaas, pilit pinaabot sa langit habang ang mga ito’y naman’y tuloy tuloy na nagbabagsakan sa lupa.
Kinabukasan ay humanap ako ng lugar kung saan maari akong magkanlong habang tinatanaw ko ang tagong lugar. Isang matabang punong niyog ang aking nakita.
Araw-araw ay mula noon, habang ang mga kaklase ko’y nag uunahang makababa sa hagdang bato kapag inihudyat na ang oras ng pag uwi , dahan dahan naman akong naglalakad, kunwari’y papunta sa grotto, upang sa ilang saglit ay unti-unting umakyat papunta sa kabilang bahagi ng gulod at sa likod ng pinakamatabang niyog ay maupo at manood ng natatanging palabas.
Nagdaan ang ilang linggo. Nagpatuloy ang maliligayang pag-iisa nina Evelyn at Adams. Habang sa bawat araw ay nakakaisip sila ng bagong paraan ng pagsamba sa kanilang laman, natuto naman ako ng iba’t ibang paraan na panonood.. Bawat isang haplos ni Adams, bawat isang halinghing ni Evelyn, ay nagbukas sa akin ng libo’t isang pintuan ng langit.
Tanaw na tanaw ko sila mula sa aking kinauupuan at tanaw ko rin ang malalagong rosal sa halamanan na nang panahong iyon ay nagngangalit na namumulaklak, siguro’y ipinaaalala na nakalimutan ko na ang pag-aalay sa Birheng Maria.
Buwan ng Disyembre. Sa aking kinauupuan sa likod ng matabang punong niyog ay hinampas ng malakas na hangin ang aking buhok pagkatapos ay naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa aking balikat. Agad akong tumayo upang humanap ng masisilungan. Maaring sa pagmamadali ko’y nakatapak ako ng isang tuyong dahon, o isang baling sanga, hindi ko alam…..
Mula sa tagong lugar, tumayo si Adams at nagkasalubong an gaming mga mata. Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso. Matagal na katahimikan. Pakiramdam ko’y nakakabaon ang mga paa ko sa lupa. Umagos ang ulan sa aking katawan – sa buhok, leeg, tumagos sa uniporme at binasa ang dalawang bukol sa aking dibdib.
“P…………………………ka! P………………………….ka!” Umalingawngaw sa buong halamanan ang sigaw ni Adams. Tumakbo ako ng mabilis mabilis na mablis.
Nabasa ang makinang na sahig ng opisina ni Sr. Guada sa magkahalong tubig-ulan at ihi na umagos sa aking katawan. Ipinahatid niya akong pauwi sa kanyang sekretaryang si Ana
Nataranta si Lola nang makita akong basing basa at luhaan. Mabuti na lang at napaniwal siya ni Ana na naabutan lang ako ng ulan habang pauwi. Agad akong naligo, nagbihis at saka nagkulong sa loob ng aking kwarto. Ngunit hindi ako napakali.
Orasyon na. Nagbabadya ang kampana ng simbahan. lumabas ako ng kwarto nakita kong nakaluhod na si lola sa harap ng altar, taimtim na nagrorosaryo. Pinupuno ng gumagaralgal niyang boses ang buong bahay. Maingat akong humakbang papalayo sa altar, lumampas sa sala atbalkonahe at tuloy-tuloy nang lumabas sa tarangkahan.
Wala nang ulan. Wala na ring tao sa magkakurus na daang papunta sa Colegio sa itaas ng gulod. Tahimik. Para bang lahat ng mga tao sa Isok ay nakaluhod sa harap ng kanilang mga latar- pinapanalangin ang aking kaluluwa. Lumakad ako…. sa una’y dahan-dahan, pabilis ng pabilis, hanggang tumakbo na ako papunta sa Colegio.
Pakinwari ko’y napakataas ng hagdang bato, para bang hindi ko makakayang akyatin ngunit unti unti akong umakyat, humahangos, humhingal. Nangangalahati na ako nang marinig ko ang boses ni Evelyn nananaghoy, nagmamakaawa. Gusto kong puntahan siya, yakapin. Gusto kong lumuhod at magmakaawa kay Sr. Guada para sa kanya at para sa aking sarli…. ngunit nakasara ang pintuan ng opisina ni Sr. Guada.
Umakyat ako sa halamanan para magkanlong sa makakapal na dahon ng rosal. Nangunguluntoy ang mga rosal, pawing nakatungo ang mga bulaklak, siguro’y dahil sa lakas ng ulang nagdaan. Pumitas ako ng isang rosal, bukadkad na iyon, mukhang ilang araw nang nakapagsabog ng bango at nasaid na ang kabuturan.
Maliliit ang aking mga hakbang ngunit tiyak ang patutunguhan. Sapo ko sa aking dibdib ang palanta nang bahagi ng gulod kaya nadulas ako. Hinagip ng malagkit na putik ang aking kaliwang paa at nahila akong pababa. Tumilapon ang rosal na nakulapulan ng putik at pinilit ayusin ang ilang nagliyagis nitong talulot.
Iilang hakbang na lang ang layo ko sa paanan ng grotto nang marinig ko ang malakas na pasakalye ng piyano. Kasabay ng pag-akyat ko sa matarik na hagdang bato, malinaw na pumailanlang ang mga himig ng Maria…., kumanta ako una’y pabulong, nang lumaoy mataginting at ang tunog ay dinala ng hangin kung saan.
Latag na ang takimsilim. Ang buong buro ay yakap na ng nag-aagawang dilim at liwanag. Lumuhod ako sa harap ng imahen ng mahal na Birhen at tumitig sa maganda niyang mukha. Wala akong nakitang galit doon, o panunumbat, ni pagtatampo.
Maaliwalas ang kanyang mukha, may bahagyang ngiti, puno ng pag-ibig. Sa unang pagkakataon, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng pagiging malinis at kagalang-galang – mga katangiang nakalarawan sa magandang mukha ng Birhen. Gusto ko sanang magsalita, sumigaw sabihin ang lahat ng aking mga lihim sa mahal na Birhen. Ngunit kahit isang kataga ay walang lumabas sa aking bibig. tumayo ako at inilagay sa nakakrus na palad ng Birhen ang aking rosal lanta man at putikan, iyon ang pinakamagandang bulaklak na naialay ko sa kanya.

Mga pahina sa kategoryang "- Rosal"

Ang kategoryang ito ay naglalaman lamang ng sumusunod na pahina.

Also on Fandom

Random Wiki