Wikia

Mga Maikling Kuwento Wiki

Kulang sa Dilig - Amado Hernandez

Usapan0
75pages on
this wiki

Buod

Nag-umpisa ang kuwento sa paglalarawan ng araw nina Didang at ni Alfredo. Malalaman ng mambabasa na si Alfredo ay isang periodista na ang pasok ay mula alas-tres ng hapon hanngang alas-dos ng madaling araw. Ito ay lubos na ikinagagalit ni Didang at pinaghihinalaan niya si Alfredo na mayroong ibang babae. Minsan ay may natagpuan siyang papael sa amerikana ni Alfredo na may pangalan ng babae, lugar, at oras. Lilipat ang kuwento na kung paano sila nagkakilala. Si Didang ay isang nars sa isang ospital. Doon siya nasuyo ni Alfredo. Pagkalaon, minabuti ni Didang na lumayas. Makikita sa huli na bumalik si Didang sa ospital. Doon, matatagpuan niya ang sugatanag si Alfredo. Sa isang pahayag sa dyaryo malalaman na si Alfredo ay may nakasagupa na masasamang loob; na ang babae na nakasulat sa papel ay tipong na-kidnap ng mga ito. Matapos nito ay nagsama na muli ang dalawa.

Tauhan


Didang - asawa ni Alfredo, dating nars, bida ng kuwento



Alfredo - periyodistang asawa ni Didang na pinaghihinalaang may kabit

TemaEdit

Pinapakita ng kuwentong ito ang tindi ng "emotional stress" na dulot ng kakulangan ng paglalambing at pagsuyo ng asawa sa kanyang asawa

Around Wikia's network

Random Wiki