Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Menopause

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Mga TauhanEdit

  • Isang babae ang pangunahing tauhan sa kwento, siya ang tumulong sa lalaking naghahanap ng lugar ni Aling Linda.
  • Isang lalaki, siya ang nagtanung sa pangunahing tauhan sa kinaroroonan ng nagkakatay ng baboy na si Aling Linda.
  • Isang binatilyo na may roong motorsiklo na pinagtanungan ng pangunahing tauhan patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.
  • Tatlong binata na pinangtanungan din ng pangunahing tauhan sa kwento patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.
  • Isang matandang lalaki na pinangtanungan din ng pangunahing tauhan sa kwento patungkol sa kinaroroonan ni Aling Linda.

BuodEdit

Nagsimula ang kwento habang nagwawalis ang isang babae sa bakuran ng kanilang bahay nang may nagtanong na isang lalaki tungkol sa lugar kung saan matatagpuan ang nagkakatay ng baboy na si Aling Linda. Hindi niya alam kung paano ituturo sa lalaki ang lugar, sa halip sinamahan na lamang niya ito sa dahilan gusto rin niya ng sariwang dugo ng baboy para makapagluto ng dinuguan . Sa pagtunton ng lugar ni Aling Linda, may nakaharang na yuping trak sa kalye kung saan kabisado niya ang daan, kaya naman sa susunod na kanto na lamang sila lumiko, ngunit nalito na siyang nagkakatay ng baboy, tinawanan lamang siya nito, animo'y baliw na nagpagulong gulong sa damuhan, pagkaraan ay biglang nawala ang binatilyo, may naligaw na tumatalbog na bola na hinabol ng tatlong binata, tinanong niya ang mga ito kung saan makikita ang nagkakatay ng baboy, ngunit nilayuan lamang siya ng mga ito, sa huli habang naglalakad siya nakasalubong niya ang isang matandang lalaki at tinanung niya, sinagot siya nito na may malapit na namang palengke dito, at sinabing doon na lamang ito bumili ng kailangan niya. Nang makarating siya sa palengke wala naman siyang mabiling dugo, tuyot na tuyot ang mga ito dahil na rin sa pinapatiktik daw ng mga nagtitinda ang dugo ng mga kinatay na baboy, ngunit wala naman siyang makitang dugo sa semento, nang bibili na siya at kinapa ang kaniyang bulsa, nagulat siya dahil ang nakapa niya ay ang kanyang hita, wala pala siyang suot na palda at panloob, hiyang-hiya siya dali-dali siyang lumabas ng palengke, ng makalabas ay may nag-abot ng palda at dali-dali niya itong isinuot. Mangiyak-ngiyak siya at nagsisikip ang dibdib dahil sa hinanakit na walang nagsabi sa kaniya ng kanyang itsura.


PaksaEdit

Ang menopause bilang isang yugto ng buhay ng isang babae at ang pagkalimot bilang sintomas nito ang paksa ng kwentong ito. Inilalarawan din dito ang pagtingin ng lipunan (lalo na ang kalalakihan) sa kababaihang nakararanas nito bilang kahiyahiyang yugto ng buhay na pinagtatawanan dahil sa kaakibat nitong epekto sa mga babae. 

Also on Fandom

Random Wiki