Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Nobena

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May akdaEdit

Isinulat ni Honorio Bartolome deDios


Mga TauhanEdit

  • Jun – Bidang naturingang Junior ngunit isa namang bading. May karelasyon, si Butch.
  • Butch – karelasyon ni Jun. Pamangkin ng kaibigan ng tatay ni Jun.
  • Dad – tatay ni Jun. Iniwan ang pamilya dahil sa isang babae at hindi gusto ang kasarian ni Jun.
  • Miriam – butihing nanay ni Jun. Natutunan na ring mamuhay ng makabuluhan nang iwan silang mag-iina ng kaniyang asawa.
  • Evelyn – isang magandang babaeng katrabaho ng tatay ni Jun. Siya ang dahilan ng pang-iiwan ng ama sa kaniyang pamilya.
  • Engineer Lope Santos – kaibigan ng tatay ni Jun. Tiyuhin ni Butch.
  • Aling Desta – nagtitinda ng Sampaguita sa labas ng simbahan ng Ina ng Laging Saklolo. Ipinagdarasal ang pagkahanap sa anak na matagal nang nagputa.

BuodEdit

Nagkita ang mag-ama at nagkumustahan tungkol sa kanilang kasalukuyang buhay. Sariwa pa rin sa alaala ni Jun nang iwan sila ng ama at ipagpalit kay Evelyn - isang bagay na, ayon kay Jun, hinding hindi raw niya minana sa kanyang ama. Nagpatuloy ang kwentuhan - trabaho, pamilya, pag-ibig. Uminit ang usapan. Kinalauna'y nauwi lamang sa pagtatalo dahil sa hindi pagtanggap ng ama ni Jun sa relasyon ng anak kay Butch.

Miyerkules, araw ng mga deboto ng Ina ng laging Saklolo at ilan din sa kanila ang nag-alay ng panalangin at nagnobena sa Mahal na Ina. Nagkita nag magkasintahang Jun at Butch at sumaglit sa simbahan. Nag-alay ng makabuluhang dasal ng pagpapasalamat.


PaksaEdit

· Pananalig sa Diyos – Tuwing Miyerkules, mataimtim na nagnonobena ang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo. Pinakikita na ang pagdarasal at pagtawag sa Diyos pa rin ang kanilang sandigan lalo na sa kanilang pangangailangan.

· Patriyarka – Laging dinodomina ng tatay ni Jun si Miriam noong sila ay nagsasama pa, gayon din ang lahat ng desisyon sa pamilya gaya na lamang ng dami ng anak. Pati ang pakikipagrelasyon ni Jun kay Butch ay nais niya ring kontrolin.

· Pagmamahal sa kaparehong kasarian – Tunay ngang nagmamahalan sina Jun at Butch at ito ang pilit na ipinaglalaban ni Jun sa kanyang ama.

· Pag-succumb ng isang babae sa kanyang asawa – Sinusunod ni Miriam ang lahat ng naisin ng kanyang asawa tulad na lamang ng hindi pagtatrabaho at pagpirmi na lamang sa bahay. Maging ang pamababae ng asawa aypinabayaan niya lamang noong una.

· Prostitusyon – Makikita ito sa anak ni Aling Desta. Matapos magsawa sa pagtatanong sa ina kung sino ba talaga ang tunay niyang ama, iniwan na nito ang ina at nagputa na lamang sa Kalye Del Pilar at Mabini sa Ermita.

Also on Fandom

Random Wiki