Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Rolando Tolentino

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

TalambuhayEdit

Si Rolando B. Tolentino ang Dekano ng College of Mass Communication (CMC) sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay nagtuturo at kabilang sa mga guro ng UP Film Institute. Kamakailan lamang, isa sa mga nanomina para tumakbong Chanselor ng UP Diliman. Siya ay nakapagtapos sa kursong Economics at nakapagtapos din ng masteral sa De La Salle University. Nag-aral siya ng Film Studies sa University of Southern California.

Siya ay isang tanyag manunulat at kabilang siya sa Katha at Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Kabilang sa mga nasulat niya ay ang: Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood, Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon: Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-editor, 1990).

Siya ay nanalo din sa iba’t ibang klase ng patimpalak ditto sa Pilipinas pati na din sa ibang bansa. Ang ilan ditto ay ang Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2001).

Mga Likha:Edit

fdfdPalabas

Bali-Balita

Litrato

Also on Fandom

Random Wiki