Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Salamat sa Pag-ibig Mo

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.


Lumabas na ang grade Three class picture ni Jessa at nasabi sa kanya ng kanyang kaklase na mas maputi at mas singkit ang kanyang mata kaysa sa kanyang mga kapatid na kanya namang ipinagtanggol. Sinabi niya na pogi at maganda din naman sila.

Umuwi ng bahay si Jessa at ipinakita kay Mang Ken at Aling Tintin ang larawan at pilit ang tanong kung siya ba ay ipinaglihi sa Tsino? Mas maputi din siya kaysa sa mga kapatid na si Sean, John at Robina kaya pilit itong nagtatanong. Nilapitan siya ni Mang Ken at sinabing hindi Tsino ang kanyang balat kung hindi Taiwanese ito. Narinig naman ni Aling Tintin at umakmang pigilang si Mang Ken sa pagkwento ngunit sa palagay ni Mang Ken na ito ay napapanahon na.

Nagkuwento si Mang Ken tungkol sa isang magandang dalaga na nagtitinda ng bibingka na nagngangalang Christine. Nakasalubong niya ang isang kotse at sinabing papakyawin ang kanyang tinda kasama siya. Tumanggi si Christine ngunit dinukot siya ng mga kalalakihan at dinala sa isang lugar kung saan maraming kababaihan ang naroon. Pagtratrabahuin daw sila sa ibang bansa ngunit alam naman niya talaga ang kanilang kahahantungan doon. Dahil maganda si Christine ay nagustuhan ito ng anak ng namumuno sa sindikato na Taiwanese at hindi pinatay si Christine. Ngunit anak lamang ito kaya't hindi pa rin makatakas si Christine. Naging maluwag sila sa pagbabantay kay Christine dahil alam nila ang relasyon nito sa anak ng pinuno kaya't minsan na nahawakan ni Christine ang telepono. Tumawag siya sa NBI at nalaman ang kanilang lokasyon. Sumugod ang NBI at napatay ang karamihan sa sindikato at nahuli ang iba. Napalaya ang ibang mga babae at si Christine naman ay nakatakas din. Nakabalik si Christine sa kanilang lugar at nagkita silang muli ni Kenneth na matagal nang may gusto sa kanya. Kahit na alam na ni Kenneth na buntis si Christine ay pinakasalan pa rin niya ito. Natapos ang kuwento at tuwang-tuwa si 

Jessa sa action at love story ng kanyang ama. Hindi nito naintidihan ang totoong ibig sabihin ng kuwento. Pagkatapos ng usapan ay nagpasalamat si Aling Tintin sa pag-big ng kanyang asawa.

Mga PaksaEdit

Sa tingin ay laganap pa rin ngayon ngunit nagiba lang ng modus at panloloko, kadalasan nangyayari sa mga lugar kung saan hirap ang mga tao sa buhay.

Tunay na Pag-ibig

Wala dapat pagaalinlangan pag mahal mo ang isang tao. Na pinatunayan ni Mang Manoy ang pagibig niya kay Dona!

Also on Fandom

Random Wiki