Mga Maikling Kuwento Wiki
Advertisement

Salamat g Sa Pag-Ibig


Lumabas na ang grade three class picture ni jessa at nasabi sa kanya ng kanyang kaklase na mas maputi at mas singkit ang kanyang mata kaysa sa kanyang mga kapatid na kanya namang ipinagtanggol at sinabing na pogi at maganda din naman sila. Umuwi ng bahay si jessa at ipinakita kay Mang felix at Aling roffa ang larawan at pilit ang tanong kung siya ba ay ipinaglihi sa Tsino.? Mas maputi din siya kaysa sa mga kapatid na si sean john at robina kaya pilit itong nagtatanong. Nilapitan siya ni Mang felixt at sinabing hindi Tsino ang kanyang balat kung hindi Taiwanese ito na narinig naman ni Aling roffa at umakmang pigilang si Mang felix sa pagkwento ngunit sa palagay ni Mang felix na ito ay napapanahon na. Nagkuwento si Mang felix tungkol sa isang magandang dalaga na nagtitinda ng bibingka na nakasalubong ang isang kotseng nagsabing papakyawin ang kanyang tinda kasama siya. Tumanggi ang babae ngunit dinukot siya ng mga kalalakihan at dinala sa isang lugar kung saan maraming kababaihan ang dinala. Pagtratrabahuin daw sila sa ibang bansa ngunit alam naman niya talaga ang kanilang kahahantungan ng mga babae doon. Dahil maganda si Christine ay nagustuhan ito ng anak ng namumuno sa sindikato na Taiwanese at hindi pinatay si Christine ngunit anak lamang ito kaya't hindi pa rin makatakas si Christine. Naging maluwag sila sa pagbabantay kay Christine dahil alam nila ang relasyon nito sa anak ng pinuno kaya't minsan na nahawakan ni Christine ang telepono ay tumawag siya sa NBI at nalaman ang kanilang lokasyon. Sumugod ang NBI at napatay ang karamihan sa sindikato at nahuli ang iba. Napalaya ang ibang mga babae at si Christine naman ay nakatakas din. Nakabalik si Christine sa kanilang lugar at nagkita sila uli ni kenneth na matagal ng may gusto sa kanya. Kahit na alam na ni kenneth na buntis si christine ay pinakasalan pa rin niya ito. Natapos ang kuwento at natuwa si jessa sa action at love story ng kanyang ama. Hindi nito naintidihan ang totoong ibig sabihin ng kuwento. pero Pagkatpos ng usapan ay nagpasalamat si Aling roffa sa pag-big ng kanyang asawa.

Mga Paksa

Human Trafficking

Sa tingin ay laganap pa rin ngayon ngunit nagiba lang ng modus at panloloko, kadalasan nangyayari sa mga lugar kung saan hirap ang mga tao sa buhay.

Tunay na Pag-ibig

Wala dapat pagaalinlangan pag mahal mo ang isang tao. Na pinatunayan ni Mang Bert kay Aling Mila.

Advertisement