Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Sorry na lang Henry

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May-akdaEdit

Teresita Manaloto-Magnaye


Mga TauhanEdit

Henry

Naging kasintahan ni Laura na nakipaglive-in kay Annabelle at iniwan si Laura.

Laura

Katrabaho ni Henry na nagaing nobya nito.

Annabelle

Kolehiyalang pabor sa live-in at naging karelasyon ni Henry.


Buod ng KuwentoEdit

Matagal ng magka-opisina si Henry at Laura, at dahil mabait at maalaga ang dalaga ay niligawan ito ni Henry at di nagtagal ay naging magkasintahan silang dalawa. Dumating sa buhay ni Henry si Annabelle isang moderno at magandang babae na nag-aaral pa sa kolehiyo, mayaman may sariling kotse at apartment. Nagkakilala ang dalawa at nagpakita ng interes sa kanya ang dalaga at nagsimula na silang lumabas habang may relasyon pa sila ni Laura. Di nagtagal at ginusto na ni Annabelle na maglive-in sila ni Henry dahil mas maganda daw ito, trial marriage, walang pananagutan at maari kang umayaw kung hindi mo ito magutuhan na hindi naman tinanggihan ni Henry. Sinabi niya ito kay Laura at naintidihan naman ito at ang sabi sa kanya ay kung saan siya masaya ay dapat niya itong palayain. Nagsimula ang pagsasama ni Henry at Annabelle at dahil mayaman ito ay sunod din ang luho ni Henry. Sinusuklian naman niya ito sa pakikipagsiping sa dalaga na para sa kanya ay napakasuwerte niya. Hatid sundo pa siya ni Annabelle sa trabaho at kina-iinggitan ng mga katrabaho, hindi lang daw maganda at mayaman si Annabelle, champion pa sa kama. Isang araw ay nakausap ni Annabelle ang kanyang mga magulang at nalaman ang kanyang mga ginagawa. Hindi pabor ang mga magulang niya kay Henry at nagbanta na pag hindi itinigil ang relasyon ay puputulin ang kanyang sustento sa pag-aaral. Dahil sa mahal na rin nila ang isa't isa ay nagpasyang ipagpatuloy nila ang relasyon nila at mabuhay sa maliit na kita ni Henry. Hindi sanay sa buhay na ganoon si Annabele at nagsimula ang kanilang pagtatalo dahil hindi na sapat ang kinikita ni Henry para sa mga luho ni Annabelle. Di nagtagal at napagdesisyonan ni Annabelle na hiwalayan na si Henry at dahil sila nga ay live-in ay wala siyang pananagutan dito. Dahil dito ay simulang hanapin ni Henry si Laura na nagbabakasakaling mahal pa rin siya ng dalaga. Nalaman din niya namaganda ang trabaho nito at kumikita ng malakaing halaga. Natagpuan niya si Laura at inaya niya ang dalaga upang makapagusap at lumabas mula sa trabaho. Laking gulat niya nang tanggihan siya ni Laura pagkat dumating na ang kasintahan niya para siya ay sunduin mula sa trabaho. Paulit-ulit sa kanyang isip ang mga katagang huling sinabi ni Laura sa kanya, "sorry na lang, Henry."

Mga PaksaEdit

Sobrang tiwala sa sarili

Isa sa mga dahilan kung bakit maagang namamatay ang karamihan, kahit na gaano ka pa kasigurado sa isang bagay ay hindi mo masasabi ang panahon.

Trial Marriage

Maraming gumagawa nito na para sa akin ay dapat mo lang gawin kung sigurado na kayo sa isa't isa.

Also on Fandom

Random Wiki