Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Stargazing

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Ang Buod:Edit

Magkapitbahay at magkababata sina Mark at Alex. Madalas ay pinapahanap ni Mark kay Alex ang iba't ibang hayop sa langit. Noong bata pa ay lagi silang sabay pumasok at umuwi ng skul. Sabay din sila kumain tuwing recess, maglaro ng swing o sipa o habulan at umihi sa banyo. Mahilig talaga si Mark sa panonood sa langit at magaling siya sa bola, sa basketbol. Noong elementarya hanggang kolehiyo ay kasama na sa varsity team si Mark. Madalas, kapag pinapanood siya ni Alex ay mas lalo pa itong gumagaling. Sa kabilang banda, lagi namang niloloko ni Alex si Mark. Minsan nga ay nagsinungaling siya tungkol sa ginawa ng isang ROTC officer sa kanya kaya't nabugbog ni Mark yung officer.Noong semi-finals ay nanalong muli ang kupunan nila Mark. Paglabas nila Mark ay sinalubong siya ng kanyang mga kakampi, kaklase at kaibigan. Hangang-hanga rin sa kanya ang mga babae kaya't pinagbubulungan nila kami sa tuwing nilalapitan ako ni Mark. Dahil doon ay nahiya si Alex kay Mark. Naghanap siya ng rason para mag-away sila at nangyari nga ang kinakatakutan niya. Hindi na nga tumatawag si Mark. Hindi na rin sila lumalabas at manood ng sine. Ngunit, dumating ang isang araw noong biglang pumunta si Mark sa bahay nila Alex. Kakagaling niya lang pala noon sa hazing ng fraternity na sinalihan niya. Nang nalaman ng nanay ni Mark ang lihim nila ay nagalit ito sa kanila. Nasigawan si Alex ng nanay ni Mark. Patuloy ang paghingi ng tawad ni Mark kay Alex sa telepono. Pinaalala rin ni Mark ang kanyang darating na kaarawan. Noong birthday niya na ay nagpasalamat si Mark kay Alex dahil sa pinasaya niya ito. Niyakap ni Mark si Alex. Ginantihan din ito ni Alex ng yakap. Muli ay tumingala si Mark sa langit at pinahanap kay Alex ang mga hayop sa langit. 'Di lingid kay Mark na matagal na palang alam ni Alex kung nasaan ang mga hayop sa langit. Mahilig lang talaga si Alex mambola at sadyang gullible lang si Mark.

Mga Tauhan:Edit

1. Alex - Siya ang bidang babae sa kuwentong Stargazing. Siya ang matalik na kaibigan ni Mark. Mahilig siyang mambola kay Mark.


2. Mark - Siya naman ang bidang lalake sa kuwento. Maramdamin si Mark at parang bata kumilos. Mahilig siyang tumingin sa langit at maglaro ng basketbol.


Mga Paksa:Edit

1. Pagkakaibigan - Ito ay tumutukoy sa isang anyo ng inrpersonal na relasyon na itinuturing na mas malapit kaysa sa asosasyon. Bagaman, parehong may degrees of intimacy sa pagkakaibigan at sa asosasyon.

2. Pag-ibig - Ito ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng konting ligaya (naibigan ang isang pelikula) hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaaring isang masidhing damdamin ang pagtingin sa kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Mayroon itong malaking kaugnayan sa sikolohiya, karaniwang tema rin ito sa sining. Mayroon ding kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.

Mga Sanggunian:

1. http://en.wikipedia.org/wiki/Friendship

2. http://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-ibig

Also on Fandom

Random Wiki