Wikia

Mga Maikling Kuwento Wiki

Teresita Manaloto-Magnaye

Usapan0
73pages on
this wiki

BiographyEdit

Si Teresita Manaloto-Magnaye ay isinilang sa Capas, Tarlac, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Sa Tarlac din niya ginugol ang panahon ng kanyang kabataan, at nag-aral ng kursong secretarial.

Ngunit ang pagsusulat, aniya, ay isang sining na nananalaytay sa kanyang mga ugat mula pa sa kanyang pagsilang. Katunayan, ang unang akda ay isang dramang pampaaralan nang siya'y nasa grade school pa lamang. Sumunod ay mga akdang pangkomiks na sinundan ng nga kwentong prosa, mga lathalain, tula, at nobela na nalathala sa iba't ibang babasahing pambansa.

Nagkamit ng ikatlong gantimpala ang kanyang "Si Turo" bilang pinakamahusay na kwento ng taon. Nagkamit ng karangalan ang kanyang nobelang "Sa Timbangan ng Katarungan" sa patimpalak na inilunsad ng magasing Liwayway. Ang kanyang kuwentong "Pilat sa Pisngi" ay naging bahagi ng aklat na Panitikan ng Lahi para sa paaralang sekundarya. Sa marami nang taong karanasan sa pagsusulat, ibinibilang siya na isa sa mga batikang manunulat ng nabanggit na magasin sa itaas.

Sa kasalukuyan, bukod sa pagsusulat at pagiging ina ng tahanan, ang pangangaral at pagtuturo ng Biblia ang kanyang pinagkakaabalahan.


Mga Maikling Kwentong NaisulatEdit

Around Wikia's network

Random Wiki