Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Tunay na Lalaki

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Mga TauhanEdit

Berto

Isang binata na pinaghihinalaan na binabae dahil sa mga hilig nitong gawin tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagaayos ng bahay at hindi sumasama sa mga gawain ng mga binata tulad ng paghaharana.

Aning

Isang dalagang kababata ni Berto na naniniwalang tunay na lalaki si Berto.

Luming, Maring at Chabeng

Mga dalagang nagtitsismis tungkol sdsdsa kasarian ni Berto.

Aling Barang

Nanay ni Berto na nagtitinda ng bunga’t ikmo sa palengke.

Aling Sianang

Nanay ni Luming na nagtatanggol kay Berto. Sinasabi nito sa anak na lalaki si Berto.

Mang Ambong

Sakristan mayor ng simbahan sa bayan na nagbalita kina Luming na ikakasal na sina Berto at Aning.


BuodEdit

Umiikot ang kwento kay Berto, isang binata na madalas pagusapan ng magkakaibigang sina Luming, Maring at Chabeng dahil kinukwestiyon nila ang pagkalalaki nito dahil mahilig si Berto gumawa ng mga gawaing pambabae tulad ng paglalaba, pamamalantsa, paglalagay ng kurtina at iba pang mga gawaing bahay at hindi rin sumasama sa mga gawaing pangbinata. Tuwing naririnig ang mga tsismisang ito ay nasasaktan ang kababata ni Bertong si Aning at madalas pinagtatanggol ni Aling Sianang, nanay ni Luming si Berto. Isang araw ay naguusap sina Berto at Aning at nagkaaminan sila ng mga nararamdaman nila. At ng gabing iyon nung papunta sa padasal ang mga dalaga ay nagulat sila at sinamahan sila ni Berto. Sa daan nila papunta doon ay nakakita sila ng isang malaki at makamandag na ahas. Dali dali naming kumuha si Berto ng kahoy at pinagtanggol ang mga dalaga. Gulat na gulat ang mga dalaga sa pinamalas na katapangan at kakisigan ni Berto at naiisap na nila na tunay nga itong lalaki. Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan ng mga dalaga na ikakasal na sina Berto at Aning at napatunayan na nila na tunay na lalaki nga si Berto.

Also on Fandom

Random Wiki