Fandom

Mga Maikling Kuwento Wiki

Virgintarian

75pages on
this wiki
Add New Page
Usapan0 Share

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

May AkdaEdit

Mayette Bayuga


Mga TauhanEdit

  • Ava – Tagapagsalaysay. Isang vegetarian na nasa isang mahabang byahe sa bus mula Baguio.
  • Lalaki – Katabi ni Ava sa upuan.

BuodEdit

Nasa isang mahabang byahe si Ava at tumigil ang sinasakyang bus sa isang stopover, ngunit hindi siya nakakain dahil lahat ng binebenta ay karne eh vegetarian siya. Dumating ang katabi niya sa bus at inalok siya ng chicharong bituka na tinanggihan niya kahit gusto na rin niyang kumain noon. Tumigil para sa isang CR break ang bus at bumaba siya para umihi. Pagbalik niya ay pinapalabas sa VHS ng bus ang pelikulang Basic Instinct. Napansin niyang palapit ng palapit ang katabi sa kanya at pinuna niya ito. Naunang makatulog ang katabi nang minsang masira ang VHS, ngunit di nagtagal ay natulog din si Ava ngunit may bahagi ng diwa niya na nanatiling gising. Habang siya’y natutulog ay hinihipuan siya ng katabi. Inaalala ng gising na bahagi ng kanyang diwa kung paano kinakatay ang mga hayop na iniaalay sa lahing pinagmulan niya. Nagtapos ang kwento sa pagsigaw ng lalaki at pagpapaliwag ni Ava na binabangungot lamang ito.


Mga PaksaEdit

  • Peminismo – makikitang sa pinagmulang bayan ni Ava ay namumuno ang kababaihan dahil sila ang mga gumagawa ng ritwal na pag-aalay, at ang kadalasang inaalay nila ay mga lalakeng hayop.
  • Makamundong Laman – ipinapahiwatig sa kuwento na ang mga pagkaing karne o laman ay sadyang mapanukso na kahit si Ava na isang vegetarian ay nahihirapan pa ring pigilan ang sarili na kumain ng karne. Inihahalintulad ang karne o laman sa mga makamundong pagnanasa ng laman.
  • Virgintarian – ayon sa awtor, ito ay isang nilalang na tumatangging magpasasa sa linamnam ng buhay na laman.

Also on Fandom

Random Wiki